Confessions of AttyArj

rosary sa belt ng uniform

September 10, 2008
2 Comments

Because of the hours we spent together everyday traveling to and from school, todo todo ang bonding namin sa service (remember the “red Tamaraw”?).  Mahaba at malalim ang mga kwentuhan, pag hindi natapos, to-be-continued kinabukasan. 

Maraming tanong na gustong sagutin at problemang gustong bigyan ng solusyon.  Ganon kami ka-seryoso sa buhay. 

Paano makukumpleto ang sticker books na Smurfs at Care Bears kung pare-pareho lang ang laman ng mga sticker packs na nabibili sa store? 

Pag nailagay ba sa refrigerator yung kisses (air-fresheners that look like mini beads and come in different colors and scents) tatagal ang amoy nito?  Mag-aanak o dadami ba ang kisses pag hinati sa gitna?  Eh kung ibabad kaya sa tubig?

Paano ko iko-convince si Mama na dagdagan nang P1.25 ang baon kong pera para may pambili ako ng Mountain Dew.

At ang medyo matagal na naging topic:  Paano natin matatakasan ang mga Satanista?

Hindi ko alam kung saan talaga nanggaling ang kwento tungkol sa mga Satanista.  Sa mga nakalimot na (o naglilimut-limutan lang), ang mga Satanista ay sumikat noong Dekada 80.  Ang Satanismo ay isang ‘kulto’ o grupo nang masasamang loob (ewan ko kung bakit yun ang tawag sa mga kriminal dito sa Pilipinas) na di-umano’y suma-samba kay Satan.  Sila ay nang-ki-kidnap, umiinom ng dugo at kumakain ng mga bata.  Malaki raw ang organisasyon nila, maraming miembro at laganap sa buong Maynila (sa tono ng mga kwento, parang walang Satanista sa probinsya, hindi ko rin alam kung bakit.  Kung iisipin nakakatawa kasi kahit sa masasamang balita tila discriminated ang mga taga probinsiya). 

Dahil malayo ang bahay namin school, sobra kaming affected ng mga bali-balita tungkol sa mga Satanista.  Takot na takot kami at hindi halos nag-uusap habang nasa service dahil para kaming mga sundalong naka-red allert.  Ibang klaseng kaba ang naramdaman namin nung mga panahong yon.  Para kaming mga nominated housemates ni Kuya (ng Big Brother, haaaayy, slow!) at elimination night na.  Imagine, 45 minutes ang biyahe pauwi sa amin at, dahil back and forth, halos 1 ½ hours kaming exposed sa daan, pwedeng pwedeng kaming dukutin ng mga Satanista.  

Ayon sa alamat (alamat na ngayon pero dati totoong-totoo ang dating nito sa amin), malalaking tao raw ang mga satanista, nakaitim na damit na may itim na hood at mapupula at malilisik ang mga mata. 

Kahit ginusto ko man, hindi ko napatunayan ang mga bagay na ito.  Wala akong nakitang satanista o taong pula at malilisik ang mga mata.  Kasi naman makakita lang ako ng taong naka-itim, karipas na ako ng takbo.

Sabi ng mga madre at teacher sa Siena, hindi raw totoo ang mga Satanista, kaya lang, sabi ng Lola ko, mag-ingat daw ako at baka makuha ako ng mga Satanista.  Sinong papaniwalaan ko?  Aba, siempre ang Lola ko! 

Para makaligtas at hindi makita ng mga satanista, may naisip na paraan ang isa kong classmate, maghawak daw kami ng rosary habang nasa labas ng school.  Dahil wala akong maisip na iba o mas mabuting paraan, sinunod ko ang brilliant idea ni Gonzales.  Sa paniniwalang magiging ‘invisible’ ako sa paningin ng mga Satanista, I brought out my rosary.  At, para mas effective, isinabit ko pa ito sa belt ng uniform ko.  Kahit mukha akong Dominican Nun na may rosary sa bewang, ginawa ko yun for one week. 

Makalipas ang ilang buwan, wala ng balita tungkol sa mga Satanista.  Wala nang panganib.  Wala nang takot at kaba.  Kulitan na ulit pag-katapos ng klase.  Kwentuhan na ulit sa service. 

Siguro, tama si Miss Ramos at si Sister, mali si Lola.  Siguro, naging maingat na ang mga bata at wala na silang ma-kidnap.  Siguro, effective talaga ang nakasabit na rosary sa belt ng uniform.


(1) The Red Tamaraw

September 4, 2008
Leave a Comment

 

When I was 10 or 11, I discovered the Filipino family class system. It was then that I realized that we are middle class and not as well off as most of my classmates in Siena (dating St. Catherine).

 

The not so obvious signs*:

 

(1) The red Tamaraw school service.

 

Back then, although Papa has a (secondhand) 1980 Toyota Corolla DX car, a school service had to bring me and my Ate If (short for Ifchelle) to and from school which is a good 30 to 45 minutes away from our place. However, unlike my classmates who have real school buses, our school service, owned by a family friend, was a red Tamaraw jeep with a dilapidated tarapal (the plastic window rain cover usually seen in jeepneys).

 

Although there are a few school services similar to our red Tamaraw, yung sa amin ang pinaka-luma at pinaka-mukhang kawawa. Siguro dahil ang layo ng biyahe namin araw araw. Feeling ko nga kaya hindi ako napansin ni Jay eh dahil amoy usok na ako pag-dating ng school.

 

Dahil ganon nga ang aming school service situation, I remember being so envious of some classmates because of their rides. Merong naka-Hi-Ace (FYI, sosyal yun dati), merong naka-Benz at merong naka RV, no kidding, may kitchen ang service nila at sa parang sofa sila naka-upo. And, of course, there was Margarita. Who would forget Margarita? I was envious of Margarita not because she has her own car and driver, madami naman kasi sila na hatid-sundo ng kotse. Na-inggit ako kay Margarita dahil artista siya (meron siyang soap opera sa TV), may yellow sports car at madalas dumi-diretso siya sa shooting after class. Bongga!

 

Kahit medyo bulok ang service namin, laging masaya ang biyahe namin pauwi. May nag-ge-Game & Watch (gamit ang Game & Watch ni Emerson), nag-su-super Trump (si Buking at si Jun), kumakain (si Catherine of course), at nag-co-cold war (si Ate at ang kanyang not so secret admirer na si Edsel). Problema nga lang dapat lagi kaming prepared to hide under the seats, “kolorum” (meaning, hindi registered sa LTO as service or utility vehicle) kasi yung red Tamaraw. Para kaming mga boy scouts, lagi kaming handa, handang magtago sa mga taga_LTO na nanghuhuli ng kolorum.

 

Minsan, excited kaming naglabasan, maaga kasi natapos ang exams namin, problema, nasira ang red Tamaraw, ayaw mag start. Kahit anung pukpok at kalikot ni Apo ayaw umandar, mukhang namama-alam na. Buti na lang kasama ko si Brenda (yaya ko), nag-jeep na lang kami. Napagalitan ni Mama si Brenda, dapat daw hinintay namin yung sasakyang ipinadala ni Ka Lilian, yung may-ari ng red Tamaraw.

 

The year after that, iba na service namin. Pero, sa totoo lang, favorite namin yung red Tamaraw. Edsel, Jun, Emerson, Buking, Nicki, LetLet, Mylene, Gee Marie, Maureen, Catherine, me and the others (I forgot their names, sorry) had a lot of fond memories in that re Tamaraw. In fact, kahit napalitan yun nang Owner-type Jeep, nang Pampasaherong Jeep at nang iba pang sasakyan, yun ang favorite namin. Lalo na si (now Kuya) Edsel dahil doon nabuo ang love team nila ng ate ko. Now that’s another story.

 

 

* this is going to be a series so please watch out for the others. I will number them consecutively so readers wouldn’t get lost.

 


    archives

    June 2017
    S M T W T F S
    « Sep    
     123
    45678910
    11121314151617
    18192021222324
    252627282930