Confessions of AttyArj

pinoy henyo

November 23, 2008
1 Comment

Matagal ko nang natanggap na hindi ako genius pero parang gusto kong patulan ‘to.

mensaflyerpy61

Whatchuthink?  Malay nyo, Mensa level pala ako hindi ko lang alam, hehehe.

Advertisements

Do I dazzle you?

November 20, 2008
Leave a Comment

I have a confession to make — I was dazzled…

twilight_book_cover1

Finally, I’m done reading Twilight and I love’t!

At last, ready na ako for the November 26 movie opening.

twilight-movie-poster1

Here’s a peek at what’s in store for Twilight saga fans.


ABNKKBSNPLAko

November 12, 2008
4 Comments

Pag nag-iinterview ako ng mga applicants sa aming everyday tambayan na nagpapanggap na law office, I make it a point to ask if they are fond of reading.  Kahit anong klaseng libro o babasahin, ang mahalaga mahilig mag-basa.  Naniniwala kasi ako na ang taong mahilig mag-basa, marunong din mag-sulat at mag-kwento.  Sa propesyon kasi namin, hindi ka mabubuhay kung hindi ka marunong gumawa ng kwento.  Lilinawin ko, gumawa o humabi (meaning ‘weave’, malalim ba?) ng kwento ha, hindi mag-imbento.  Magka-iba kasi yun.  Like how?  Simple lang.  Kung marunong kang gumawa o humabi ng kwento, mabubuhay ka.  Kung marunong kang mag-imbento ng kwento, yayaman ka.  Ngayon alam nyo na kung bakit poor ang lola n’yo, hehehe.

Hindi ko na maalala kung ilang taon ako nang matuto akong magbasa, ang alam ko bago ako mag-kinder nababasa ko na ang ABKD (remember the thin yellow book?).  Kaya lang, nang ma-master ko ang ABKD, patinig, katinig at ang tamang pantig, pati na rin ang English version ng mga yun, tinamad na akong mag-basa.  Pero, kahit papano, meron akong favorite books, yung Ugly Duckling (hmmmn…I wonder why?) at Three Little Kittens (pangarap ko kasing kumain ng apple pie at mag-suot ng mittens). 

Grade 5 nako nang talagang mahilig akong mag-basa.  Nagsimula yun nang masiraan kami ng service at napilitang tumambay sa library para mag-palipas ng oras.  Nang wala na akong mabuklat na pop-up books, nakilala ko si Nancy Drew at na-amaze sa kanyang fanny pack at flashlight.    

Pag-tungtong ko ng High School, bumalik ang dating kong sakit na katamaran.  Wala akong nabasang libro kasi puro barkada, crush at paggawa ng walang katapusang project ang inatupag namin (bakit nga ba ang daming project nung HS?).  Para masaya, pati mga crushes pina-project din namin.  At dahil medyo busy nga kami, tatlong (3) stories lang ang nabasa ko noong HS, prescribed reading at one book for each school year pa.  Malamang nabasa nyo din (dahil kelangan) ang mga librong tinutukoy ko.  Sinong makakalimot sa Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal?  Anong pinag-kaiba ng tsokolate ah at tsokolate eh?  Anong parte ng manok ang napunta sa tinolang nai-serve kay Padre Damaso?  Ang katulong nyo ba sa bahay ay aliping namamahay o aliping saguiguilid?  HAHAHAHA!    

Nung college, naging adik ako sa pocketbooks, wala kasing magawa sa dorm.  Kesa naman kausapin ko yung pader, nagbasa na lang ako.  Dahil sa dami ng free time ko, kahit anong mahawakan ko binabasa ko, lahat ng genre ng libro pinatulan ko.  Merong pa-tweetums gaya ng Sweet Dreams at Sweet Valley High (nabasa nyo ba yung Sweet Valley High Saga? ‘wag mag-deny); adventure at comic books like Archie, X-Men, Where’s Waldo, Asterisk & Obelisk at Calvin & Hobbes; popular fiction like the books of Sydney Sheldon, John Grisham and Erich Segal; suspense, like Agatha Christie; at, siyempre, romance books that comes in various types and bastos o kinky level: kinky level 1, medyo bastos na may pwede na story gaya ng Mills & Boons, Harlequin at Silhouette Romance; kinky level 2, super bastos na hindi masyadong maganda yung story, yun bang mga librong may picture/drawing ni Fabio at ng almost hubad na babae sa cover; at siempre, kinky level 3, ang mga super bastos na historical romance novels by Johanna Lindsey, Judith McNaught, Jude Devereaux, Julie Garwood at Danielle Steel; and, finally, sex-help books (hehehe), think Dra. Margarita Holmes.  Grabe, ang dami pala.  Ang dami ko pala talagang spare time nung college.  Mind you, hindi pa kasama dyan yung mga oras na inubos namin sa gimik, sine, panonood ng UAAP (go TIGERS!) at pag-tsi-tsismisan (mas mahaba ang oras na nai-gugol namin dito). 

Kung may sex-help books, meron siyempreng self-help books.  Back then, hindi kumpleto ang college life mo kung hindi mo nabasa ang Chicken Soup for the Soul.  Madaming helpings yun, umabot ata ng tatlo, hindi ko na ma-recall.  Tapos meron pang Chicken Soup for the Teenage Soul, for the Mother, for the Prisoner, exage kasi meron para sa lahat.  Siguro meron ding for the Dog, for the Cat, for the Fish at the for the imaginary friend.  Grabe, kumita ng husto si Jack Canfield at Mark Victor Hansen dahil lang sa chicken sopas.   

Nung College, ang dami naming English, Reading at Literature courses sa AB kaya ang dami ring prescribed reading at book reviews.  Naalala ko tuloy si Ms. Erli, isa sa mga Prof namin.  Si Ms. Erli mahilig mag-prescribe at magpa-book review ng self-help/self esteem books.  Pilit nyang ipinabasa sa amin yung Living Loving & Learning at Loving Each Other ni Leo Buscaglia, Being Happy at Making Friends ni Andrew Matthers.  Hindi ko na matandaan yung ibang titles and authors pero yung thema, pare-pareho lang halos — how to be a better person.  At dahil feeling “I’m so confident I can rule the world” ako noon, hindi ko feel basahin ang mga prescribed book ni Ms. Erli.  Sa sobrang inis, in-analyze ko ang buhay, lovelife at pagka-tao nya.  Judging by her book list, naisip ko, siguro maraming insecurities sa buhay si Ms. Erli. 

Dahil wala naman akong choice kundi mag-comply sa course requirement ni Ms. Erli, I chose the least boring book.  Pinili ko yung Making Friends ni Andrew Matthews, cute kasi yung cover at may konting funny illustrations.  Cute din yung Being Happy pero feeling happy naman ako sa life ko noon kaya I chose Making Friends.  Isa pa, nagbakasakali akong mas dadami pa ang friends ko.  Mukhang successful naman kasi nadagdagan agad ako ng friend, believe it or not, naging friend ko si Ms. Erli.

Ang ka-adikan ko sa pocketbooks ay hindi nawala kahit nasa law school na ako at nalulunod sa mga librong super li-liit ng font at wala man lang drawing.  Kahit one hour a night lang, bago matulog (so that means, after 2:00 AM), isinisingit ko yung pagbabasa ng pocketbooks.  Resulta, umaatikabong back-log.  Lalo na nang lumabas ang Harry Potter series, kinareer ko yun, kahit finals na may Harry Potter time pa rin ako.  Ewan ko ba, talagang love na love ko si Harry at si Ron.  Kaya naman kahit nag-contribute si Harry sa pagbaba ng grade ko, nagpapasalamat pa rin ako kay JK Rowling.

A few years ago, nabasa ko yung ABNKKBSNPLAko book ni Bob Ong.  Hindi nyo ma-gets?  Basahin nyo ulit, per letter, in tagalog.  Gets na?  Kung hindi pa rin, wala na akong magagawa, obviously hindi ka marunong mag-basa.  Hindi ako nag-babasa ng tagalog books pero okay yun, super kwela, super makaka-relate ka.  Kung hindi mo maalala yung childhood mo and you grew up during the 80’s, read the book, you’ll appreciate it.  Kung sa public school ka nag-aral, you’ll love’t, kasi yung mga kwento nya kwento mo rin, nangyari din sa classroom nyo. 

Ngayon na may trabaho na ako, I still make it a point to read at least one or two books a month, or one or two books a week, depende sa mood ko.  In fact, I have four books in my bedside right now.  Yung isa dun isang taon na hindi ko pa natatapos.  Medyo boring pero I still want to finish it.  Speaking of finish, I have to finish “Twilight” na pala.  Para kasing lahat ng taong maka-usap ko ready na to watch the movie, ako na lang ang hindi.  In short, ako na lang ang hindi “in”, ako na lang ang hindi maka-relate.  Para sakin (na isang feeling know it all), that’s totally unacceptable kaya babu na, it’s past midnight and I still have a date with Edward Cullen.


    archives

    October 2017
    S M T W T F S
    « Sep    
    1234567
    891011121314
    15161718192021
    22232425262728
    293031