Confessions of AttyArj

tsubibo

February 15, 2009
1 Comment

 

What’s in your backyard?

 

Here’s what we have in ours…

 

 img_1528-2

 

Sa mga hindi nakaka-alam, PERYA ang tawag dyan.

 

PERYA ang tawag sa mobile carnival na nakikita sa mga probinsha pag panahon ng fiesta.  At dahil fiesta sa amin sa ngayon (February 15), may perya na sa likod bahay namin.

 

Ang galing no, isang tumbling lang nasa peryahan na kami.  Isang tumbling lang makakasakay na ako sa tsubibo. 

 

Let me guess, hindi nyo rin alam kung ano yung tsubibo?

 

Here’s a picture of our backyard tsubibo.

 

tsubibo

 

Sa probinsha, tsubibo ang tawag sa ferris wheel. 

 

Kaya lang nang umuwi ako kagabi, napansin kong wala na yung tsubibong nakita ko last week.  Sabin g Lola ko, hindi raw kasi kumikita, wala raw sumasakay kaya pinalitan nung elephant coaster ride na (judging by the number of times it goes on) box office hit sa mga bata.

 

Although hindi ako tumambling para mag-perya, natanaw ko yung Chinese lantern (parang tsubibo rin pero mukhang lantern/basket) at narining yung bola ng Binggo.  I’m sure nandun din yung pa-shootan ng piso (mahal na ngayon, dati beinte singko lang), pula puti (sugal yun), beto beto (sugal din), ruleta nang kapalaran (kung saan pwede kang manalo ng softdrinks, Chippy, plato or pinggan), darts (na may target na balloons), target shooting (na may target na plastic ducks at toy soldiers).

 

Sabi ng Lola ko, na suki ng Binggo, meron daw bump car (sosyal, walang ganon nung bata pa ako) at mga inflatable slides and play houses (sosyal na ba talaga ang perya ngayon?). 

 

Kahit may mga bagong rides tulad ng elephant coaster para sa mga bata, disappointed ang mga pinsan ko kasi hindi dumating yung carousel, caterpillar, octopus, space rocket, swing at horror train.         

 

Habang tinatanaw ko yung perya, naisip ko yung panahong adik na adik ako sa perya.  Nung bata pa kasi kami lagi kaming may ‘passes’ (free pass) sa mga rides sa perya kasi sa bahay ng Lolo ko nakakabit yung kuryente nila.  Kumbaga ‘ride all you can’ kami ng mga kapatid ko.  Sikat!  Sosyal!  Hindi rin, super mura lang kasi dati yung bayad sa rides, P5.00 lang makakasakay ka na sa ride of your choice.  Pag naka-ubos ka ng P20.00 sa rides, hilo ka na nun.  Ikaw na yung aayaw. 

 

Nung mag-high school kami, wala nang passes, kelangan na magbayad.  Dahil medyo mahal na ang bayad sa rides (P12.50 na ata) kelangan na mag-tipid ng allowance.  Kelangan na ding mag-ipon ng madaming beinte singko (twenty five centavo coins) para makapag-shoot sa board (na may drawing maliliit na squares) at manalo ng limang piso na puro beinte singko.

 

Nung bata pa kami ang saya saya naming magkakapatid pag malapit na yung fiesta kasi makakapag-perya kami pag weekend (bawal pag weekdays kasi may school, hmmph!).  Pero ngayon, hindi na excitement kundi inis ang nararamdaman ko.  Bakit?  GRABE’NG INGAY.  Hindi ka makakatulog.  Pwede kang magbukas ng TV pero hindi mo maiintindihan, manonood ka lang kasi kung hindi yung bola sa Binggo ang maririnig mo, paulit ulit mong maririnig si Bugoy (ng Pinoy Dream Academy) singing “Paano na kaya?” ‘di sinasadya……  %&@$!  Haayyy, buti na lang laos na si April Boy at wala nang bagong kanta ang Aegis.

 

Pero okay lang, minsan isang taon lang naman ang fiesta, sayang naman ang kikitain ng mga peryista. 

 


Posted in proud promdi
Tags: , ,

    archives

    August 2017
    S M T W T F S
    « Sep    
     12345
    6789101112
    13141516171819
    20212223242526
    2728293031