Confessions of AttyArj

my “not so techie” mom part II

March 31, 2009
Leave a Comment

As promised, here’s the second installment for my “not so techie” mom saga.

One of my Mama’s classic gadget moments happened a few years ago.  At that time, I was reviewing for the Bar and super stressed so my Mama’s text message was such a welcome comic relief. 

Before reading her message, please keep in mind that my Mama, at that time, has just been introduced to the world of text messaging and was still trying to figure out how to use her brand new Nokia 8250 (this is circa 2001 in case you’re wondering).

This is the message that I got from her.

“I HATE THIS PHONE I CANNOT TEXT ENGLISH ONLY”.

All together now……hahahaha!

In case you didn’t figure out, my Mama’s Nokia phone was on dictionary or english prediction mode so every word she types gets converted to english. 

Judging by her words, I figured she’s really really pissed and frustrated so I called her and gave her step by step instructions on how to turn off the predictive mode.


my “not so techie” mom’s facebook experience

March 27, 2009
7 Comments

I was preparing to go home when I saw a missed call from my Mom so immediately called her.  Here’s how our conversation went.

“Ma, you called?”

“Oo, kasi may facebook request ako from Loraine, hindi ko ma-approve.  Hindi mo kasi ako tinuruan.  Buksan mo nga yung facebook ka, ikaw na lang mag-approve.”

“‘Di ba tinuruan na kita?  I-click mo lang yung friend request, nasa may bandang taas yun.”

“Ayaw nga, kanina pako dito naiinis na ‘ko.”

“Asan si Papa?  Patulong ka sa kanya.”

“Andito nga, katabi ko, pero hindi nya alam.  Hindi mo kasi ako tinuruan.  Kanina pa ‘ko dito.  ‘Di ko na alam gagawin ko!” 

At this point, medyo magka-level na ang exasperation namin. 

“Sige nga, buksan mo ulit.”

“Bukas na nga!  Nakaka-inis!  Bakit ganun?”

At this point, sumali na ang tatay ko sa gulo.  I can hear him in the background saying — “Ma, ano ba, ‘wag kang mag-pakagalit dyan, it’s no big deal, just follow her instructions.”

“Ano ‘ba nakikita mo sa screen?  Nasa taas lang yung friend request.  I-click mo lang, lalabas na si Loraine.”

“Eto, binabasa ko yung e-mail ni Loraine, gusto nya akong i-invite sa facebook.”

“Ma, nasan ka ba?  Nasa Yahoo ka ba?

“Oo, kasi dito pinadala ni Loraine yung invitation.”

Sabi ko sa isip ko — @%&$!

 “Maaa, eh paano mo ia-approve yan eh nasa Yahoo ka, pumunta ka sa Facebook.”

 “Eh paano ba ‘ko pupunta sa Facebook?”

“Magbukas ka nang bagong explorer.  I-click mo yung letter “e” na blue o yung mozilla icon.”

“O, ayan, may Facebook na.”

“O sige, mag-log-in ka.  Email address, then password.”

“Ayaw!”

Naki-alam ulit ang tatay ko.  “Ayun, sign-up!”

“‘Wag yun, yung LOG-IN dapat!”

“Ayaw nga.  Ayan, naging puti lahat yung screen.”

“Hintayin mo lang.”

“O, ayan, naka-pasok na ‘ko.”

“O, i-click mo yung friend request sa taas.  Kita mo?”

“Ayan, na-click ko na.  Nakita ko na si Loraine.  May add to list.”

“Hindi yun, i-confirm mo.”

“Ayan, friend ko na raw si Loraine.”

“O sige, sagutin mo na yung message nya.”

“Sabi dito do you want to poke Loraine, ano gagawin ko?”

“Hay nako, ‘wag ka muna mag-po-po-poke dyan, mag-aral ka muna mag-log-in.  So, okay na?  Babay na?  Pwede na akong umuwi?”

“Okay, babay na.  Thank you anak.”

“Okay, bye.”

Hayyy.  Buti na lang may 24/7 call & text unlimited ang Sun cellular at ‘di ako nagastusan sa kulitang yun. 

Ang cute ng nanay ko no?  Ang kulit.  Love you ‘Ma.

Isa lang po yan sa mga techie moments ng nanay ko, madami pang iba.  Bukas, I’ll share her text messaging experience.


my mom the debutante

December 4, 2008
9 Comments

Here’s the thing, gustong mag-debut ng nanay ko. 

Problema ‘to.  Problemang malaki.  Kaya naman nananawagan ako sa mga kapatid kong tumakas sa katotohan at nangibang bansa.  Hoy mga ungas, magsi-uwi kayo dito, tulungan nyo ako!  Gustong mag-debut ni Mama! 

Bakit at paano ako nasadlak sa problemang ito?  Kasalanan ni Bonifacio Gloria Macapagal Arroyo.

Here’s the story.  Last Monday, while I was lounging at home, enjoying Bonifacio Day (a November 30 holiday thing which was, absurd as it was, moved to December 1.  Go figure!  I already stopped analyzing and questioning Tita Glow’s holiday economics thingy).  Anyway, there I was enjoying a couch potato moment when my makulit na nanay asked if we’ll throw a party for her birthday.

Here’s how our coversation went:

Mama:  Gusto ko may party sa birthday ko.

Arj:  Huh?  Ang tagal pa nun.  February pa.  Let’s think about Christmas muna.

Mama:  Siempre naman dapat special yun, 60th bday party ko yun.

Arj:  Okay lang.  Eh ‘di magpaparty tayo kung gusto mo.

Mama:  Kayo gagastos?

Arj:  Tingnan natin.  Sige.  Saan mo gusto?  Gusto mo sa Jollibee?  Okay dun, walang hassle, babayaran na lang (LOL).

Mama:  Hello!  Ayaw ko nga dun.  Nakakainis ka naman.  Mag-mumukha akong tanga.

Arj:  O sige, sa McDonalds na lang, mas sosyal konti (laugh again).

Mama:  Ayaw ko dun.  Basta gusto ko bigyan mo ako ng magandang party.

Arj:  Oo na nga, may party ka na, pero ikaw ang mag-aasikaso.  Hindi ko makakayang mag-plan ng party kasi busy ako sa work at nasa Pasig ako most of the time.  Ikaw, dito ka lang sa house, ikaw na lang mag-asikaso ng details tutal mga bisita mo naman yun.  Ikaw mag-plan kung anong gusto mong handa at kung sinong gusto mong i-invite.  Tapos, tsaka tayo mag-usap. 

Mama:  Okay.  Gusto ko dun sa Reception Hall nung Tita ni “D”.

Arj:  HA? (heart attack) Eh bakit dun?  Ang layo naman.  Tsaka, baka mahal bayad dun.

Mama:  Kesa naman sa Kuhala Bay, mas mahal dun.

Arj:  (still shocked) Ma, ano ba balak mo, mag-debut? 

Mama:  Ah basta, gusto ko bongga, yung naka-bihis ako tsaka yung mga bisita ko.

Arj:  Eh di mag-bihis ka.  Eh what’s wrong ba with having the party here?  Kasya naman ang mga friends mo dito sa bahay natin.  Parang nung 60th bday party ni Papa, dito lang pero masaya naman.  Sayang kasi yung ibabayad natin sa place ‘Ma, isama na lang natin sa handa para siguradong masarap.  Enjoy ang mga bisita.

Mama:  (medyo nakukumbinsi na)  Sabagay. 

Arj:  (para makumbinsi pa lalo) Tsaka ‘Ma, pag dun ka sa reception hall nag-party, mag-uuwian agad yung mga bisita mo, wala ng kwentuhan at inuman after.  Walang bonding kasi may time limit yung lugar at may distance from home factor. 

Mama:  Oo nga.  (hayyy, finally!)  Sige, dito na lang.

Arj:  Oh sige, tawagan mo yung caterer para makapag-set tayo ng menu at budget.

After non, nakahinga na ako ng maluwag, umakyat ako sa kwarto ko at natulog (sayang ang bakasyon kung hindi itutulog).

Akala ko tapos na, okay na, nagkasundo na kami.  Mali pala ako.  Makulit pala talaga ang nanay ko.

Nang dumating si “D” for our usual weekly expedition (from Rizal to Pasig), humirit na naman ang debutante kong nanay.  Akala yata hindi ko naririnig yung kwentuhan nilang dalawa.  Here’s what I overheard:

Mama:  “D” alam mo ba kung magkano yung bayad sa Reception Hall ng Tita mo?

“D”:  Naku, hindi po.  Pero pwede ko pong itanong.  Bakeeet?

Mama:  Birthday ko kasi sa February.  Gusto kong mag-party.

“D”:  Ahhh!  Parang debut ba ito Tita?  May cotillion ba?  (laugh) 

OMG!  Seryoso sha.  Gusto nya talagang mag-debut.  Anong gagawin ko?  Pipigilan ko ba sha?  Magpapatahi na ba ako ng gown?

Ano kayang motif?  Kelangan ba yung cake may bumababang manika sa hagdan?  Dapat ba may 60 roses? 60 candles? at 60 gifts?  Naku, 180 guests na agad yun.  Ano kayang magandang give-away?  Hayyy!  This is precisely the reason why hindi ako nag-debut!

Mga inaanak, pasensha na, wala kayong christmas gifts ngayung pasko, kelangang mag-save, magpapa-debut ng nanay si ninang.


    archives

    June 2017
    S M T W T F S
    « Sep    
     123
    45678910
    11121314151617
    18192021222324
    252627282930