Confessions of AttyArj

my mom the debutante | December 4, 2008

Here’s the thing, gustong mag-debut ng nanay ko. 

Problema ‘to.  Problemang malaki.  Kaya naman nananawagan ako sa mga kapatid kong tumakas sa katotohan at nangibang bansa.  Hoy mga ungas, magsi-uwi kayo dito, tulungan nyo ako!  Gustong mag-debut ni Mama! 

Bakit at paano ako nasadlak sa problemang ito?  Kasalanan ni Bonifacio Gloria Macapagal Arroyo.

Here’s the story.  Last Monday, while I was lounging at home, enjoying Bonifacio Day (a November 30 holiday thing which was, absurd as it was, moved to December 1.  Go figure!  I already stopped analyzing and questioning Tita Glow’s holiday economics thingy).  Anyway, there I was enjoying a couch potato moment when my makulit na nanay asked if we’ll throw a party for her birthday.

Here’s how our coversation went:

Mama:  Gusto ko may party sa birthday ko.

Arj:  Huh?  Ang tagal pa nun.  February pa.  Let’s think about Christmas muna.

Mama:  Siempre naman dapat special yun, 60th bday party ko yun.

Arj:  Okay lang.  Eh ‘di magpaparty tayo kung gusto mo.

Mama:  Kayo gagastos?

Arj:  Tingnan natin.  Sige.  Saan mo gusto?  Gusto mo sa Jollibee?  Okay dun, walang hassle, babayaran na lang (LOL).

Mama:  Hello!  Ayaw ko nga dun.  Nakakainis ka naman.  Mag-mumukha akong tanga.

Arj:  O sige, sa McDonalds na lang, mas sosyal konti (laugh again).

Mama:  Ayaw ko dun.  Basta gusto ko bigyan mo ako ng magandang party.

Arj:  Oo na nga, may party ka na, pero ikaw ang mag-aasikaso.  Hindi ko makakayang mag-plan ng party kasi busy ako sa work at nasa Pasig ako most of the time.  Ikaw, dito ka lang sa house, ikaw na lang mag-asikaso ng details tutal mga bisita mo naman yun.  Ikaw mag-plan kung anong gusto mong handa at kung sinong gusto mong i-invite.  Tapos, tsaka tayo mag-usap. 

Mama:  Okay.  Gusto ko dun sa Reception Hall nung Tita ni “D”.

Arj:  HA? (heart attack) Eh bakit dun?  Ang layo naman.  Tsaka, baka mahal bayad dun.

Mama:  Kesa naman sa Kuhala Bay, mas mahal dun.

Arj:  (still shocked) Ma, ano ba balak mo, mag-debut? 

Mama:  Ah basta, gusto ko bongga, yung naka-bihis ako tsaka yung mga bisita ko.

Arj:  Eh di mag-bihis ka.  Eh what’s wrong ba with having the party here?  Kasya naman ang mga friends mo dito sa bahay natin.  Parang nung 60th bday party ni Papa, dito lang pero masaya naman.  Sayang kasi yung ibabayad natin sa place ‘Ma, isama na lang natin sa handa para siguradong masarap.  Enjoy ang mga bisita.

Mama:  (medyo nakukumbinsi na)  Sabagay. 

Arj:  (para makumbinsi pa lalo) Tsaka ‘Ma, pag dun ka sa reception hall nag-party, mag-uuwian agad yung mga bisita mo, wala ng kwentuhan at inuman after.  Walang bonding kasi may time limit yung lugar at may distance from home factor. 

Mama:  Oo nga.  (hayyy, finally!)  Sige, dito na lang.

Arj:  Oh sige, tawagan mo yung caterer para makapag-set tayo ng menu at budget.

After non, nakahinga na ako ng maluwag, umakyat ako sa kwarto ko at natulog (sayang ang bakasyon kung hindi itutulog).

Akala ko tapos na, okay na, nagkasundo na kami.  Mali pala ako.  Makulit pala talaga ang nanay ko.

Nang dumating si “D” for our usual weekly expedition (from Rizal to Pasig), humirit na naman ang debutante kong nanay.  Akala yata hindi ko naririnig yung kwentuhan nilang dalawa.  Here’s what I overheard:

Mama:  “D” alam mo ba kung magkano yung bayad sa Reception Hall ng Tita mo?

“D”:  Naku, hindi po.  Pero pwede ko pong itanong.  Bakeeet?

Mama:  Birthday ko kasi sa February.  Gusto kong mag-party.

“D”:  Ahhh!  Parang debut ba ito Tita?  May cotillion ba?  (laugh) 

OMG!  Seryoso sha.  Gusto nya talagang mag-debut.  Anong gagawin ko?  Pipigilan ko ba sha?  Magpapatahi na ba ako ng gown?

Ano kayang motif?  Kelangan ba yung cake may bumababang manika sa hagdan?  Dapat ba may 60 roses? 60 candles? at 60 gifts?  Naku, 180 guests na agad yun.  Ano kayang magandang give-away?  Hayyy!  This is precisely the reason why hindi ako nag-debut!

Mga inaanak, pasensha na, wala kayong christmas gifts ngayung pasko, kelangang mag-save, magpapa-debut ng nanay si ninang.

Advertisements

9 Comments »

  1. ay. parang gusto ko tuloy mag debut din sa bday ko neks yir kasi may 0 din sa huli yung edad ko e, heheh. good luck sa debut ni nanay mo, am sure masaya yon! pwede ba akong mag tap in phone call, feeling close, hahaha

    Comment by kengkay — December 4, 2008 @ 10:22 pm

  2. ayos yan, rj, pagpraktisan mo na planning. parang planning for a wedding na rin yan 😉 … well, maybe not quite as stressful…. attend ako sa wedding mo! hehehe (na-off topic ata comment ko?)

    Comment by gandadai — December 5, 2008 @ 7:23 am

  3. kengkay: sure! i-vi-video patch lahat ng relatives and friends abroad, kasama ka na dun =)

    dai: hindi ka lang invited sa kasal ko, kasama ka din sa planning committee =) so, umpisahan mo na ang planning, planuhin mo na kung sino yung groom, hehehe.

    Comment by attyarj — December 5, 2008 @ 2:47 pm

  4. my oh my! so kailangan ba tawagan ko si Edward Teng for her gown? ha!ha!ha! what debut? just have a party for her at home just like papa’s 60th b-day party or maybe she can choose a restaurant where she can have a nice dinner party with a few friends( i mean a few talaga at hindi 150 guests)Kasi naman if you’ll throw a big party, magsesenti yan at baka pauwiin pa kami hellow! I promise to give her a really nice gift basta lang wag magdebut!

    Comment by Ifchelle — December 6, 2008 @ 2:57 pm

  5. oy ano na? busy na ba kayo ni nanay na mag patahi ng kanyang trahe de debut?

    Comment by kengkay — December 10, 2008 @ 5:06 am

    • naku hindi pa, medyo busy-busyhan kasi ako ngayon sa work at xmas parties. sana lang after xmas season na ulit maisip ng nanay ko ang mga bagay na ito.

      Comment by attyarj — December 13, 2008 @ 12:19 pm

  6. dumaan para bumati ng ‘frohe weihnachten’ meri krismas po!

    Comment by kengkay — December 23, 2008 @ 2:45 am

  7. time to blog again… it’s been 6 weeks! what’s on your mind???

    Comment by annevdns — January 25, 2009 @ 12:17 am

  8. i know i know! the holiday bug got into me, ayaw mag-function ng brain cells ko. oopps, don’t tell my boss…

    Comment by attyarj — January 26, 2009 @ 10:04 pm


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

    archives

    December 2008
    S M T W T F S
    « Nov   Feb »
     123456
    78910111213
    14151617181920
    21222324252627
    28293031  
%d bloggers like this: