Confessions of AttyArj

Oil Panic | September 10, 2008

 

Sa mga “red Tamaraw” boys, ang ka-bonding ko si Emerson.  Naging close kami probably because, in addition to being magka-service, we were classmates for a number of years.  Since alphabetical ang sectioning sa Siena, pareho kaming Section N (from SIENA).  If I remembered it correctly, that’s the section for those whose surnames begin with the letters GHIJKLM.

 

Pag-uwian na, usually magkatabi kami ni Emerson sa service kaya nang ma-uso ang Game & Watch, lagi akong una sa pag-hiram.

 

When it comes to Game & Watch(ing) Emerson ‘is the Man’ kasi he has a lot.  If my memory serves me right, I think meron siyang Popeye, Octopus, Parachute, Chef at Donkey Kong.  Halos kasing dami ng G&W nung mama na nag-paparenta sa tapat ng gate ng Siena.  Yung nakatali ang mga Game & Watch sa kariton para hindi manakaw.

 

Although meron din akong G&W, ung Mickey Mouse na sumasalo ng itlog, medyo bored na’ko dun kaya lagi akong humihiram kay Emerson.  At dahil favorite ka-service n’ya ako, ako ang priority, ako ang unang pipili.  In fact, ako lang ang pwedeng mag-uwi ng mga G&W nya, yung iba, hanggang service lang ang playing time.

 

Nang mauso ang G&W, nakalimutan ko na si Barbie at ang pangarap kong doll house.  Naging semi-obsessed ako sa handheld games.  Nagkataon, nag-balikbayan ulit sina Lola Luz at Lolo Emong tapos isinama nila si Mama sa HongKong.  Siempre, isa lang ang bilin ko — bagong Game & Watch.  When they got back from HK, super excited ako sa mga pasalubong, HK yun, kapitbahay ng States (that’s what I thought, bata pa ako noon at wala pang alam sa Geography), balita ko madaming nabibiling imported doon.  

  

Hindi naman ako nabigo, madaming pasalubong si Mama.  She gave me and ate a new radio/casette player, super handy yun, pwedeng dalahin sa school pag may practice ng presentation (kumbaga sa I-Pod, parang I-Pod mini, hehehe).  She also gave me a Casio watch.  Pero ang highlight at ang pinaka-special ay yung bago naming “Multi-screen” Game & Watch — it was called “Oil Panic”.  Here’s how it looks like.

Oil Panic
Oil Panic

In Oil Panic, the station helper on the upper screen catches drops of oil from a leaking pipe. Once caught, he needs to go out onto the verander [on lower screen] and empty the bucket into his bosses oil drum. Missing a drop from the pipe or missing the bosses oil drum loses a life. Game is unique in having 4 lives [2 misses on top and 2 misses on bottom screen] and has good playability, quite a classic.

How to Play. Two customers are waiting at a gas station to fuel up. Meanwhile, an oil leak from a pipe on the third floor is causing confusion. Move Station Helper left and right by pressing the control buttons to catch the leaks in his bucket. Oil falls in drops. Helper’s bucket holds three drops. Move Helper out to veranda to pour the oil in his bucket into the Boss’s oil drum on the second floor. Be Careful not to drop oil on the waiting customers.*

The next day, excited akong pumasok sa school kasi I’ll be able to show off my new G&W.  At that time, wala pang may double deck na G&W sa klase namin, ako pa lang.  Dahil bawal ang G&W sa klase, I had to contain myself and wait until the dismissal.  Kaya lang, when the bell rang, napa-isip ako, parang ayaw ko nang ilabas sa bag yung bago kong G&W.  Paano kung pag-kaguluhan, madumihan, mahulog, or worst, masira?  Naku, aawayin ako ni Ate.  Papagalitan ako ni Mama.  ‘Di bale na, tsaka na lang pag medyo luma na, medyo clumsy kasi yung iba kong classmates, sa service ko na lang ilalabas. 

 

Pag dating ko sa service, excited na ang mga ka-service ko.  Nabalitaan na pala nila kay Ate yung bago kong Oil Panic.  Siempre, pinahiram ko agad sila, alam ko iingatan at hindi nila yun sisirain.  Pinahiram ko rin si Emerson para at least makabawi naman ako sa mga bateryang inubos ko sa mga G&W nya.

 

Hindi ko na maalala kung anong record ko sa Oil Panic, ang natatandaan ko lang hindi ako ang top scorer, ang dami kasing nang-hiram, mas magaling pa sa akin.  Kainis.

 

 

* www.gameandwatch.com

 

Advertisements

Leave a Comment »

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

    archives

    September 2008
    S M T W T F S
        Oct »
     123456
    78910111213
    14151617181920
    21222324252627
    282930  
%d bloggers like this: